Sunday, December 09, 2012
Ay Ewan!
Sabi nila pag matalino ka, may kapasidad ka para umintindi. Prerequisite na sa isang matalino na ilatag ang mga dahilan kung bakit nagagawa ng isang tao ang mga bagay nang walang panghuhusga. Pero hanggang saan ba ang kaya mong intindihin? Hanggang saan ang maabot ng iyong katalinuhan? Kung mala-Einstein ba ang IQ mo ay maahalintulad ka na sa santo? Yan ang mga bagay na gumugulo sa aking isipan. Napakabobo ng aking pakiramdam dahil hindi ko maintindihan. Hindi ko naman hinihiling na basahin ang laman ng isipan ng lahat ng taong nagdaraan. Kelangan ko na lang bang tanggapin na may mga bagay talagang dapat hayaan na lang at wag pakialaman? Marahil ganun na nga. Hindi sa lahat ng oras ay dapat malaman natin ang intensyon at saluobin ng mga taong nakapaligid satin. Kelangan nating matuto na hindi sa lahat ng oras malalaman natin ang dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay na ayaw nating mangyari. May rason kung bakit pero hindi na natin kailangan alamin. Darating din ang panahon, kelangan mo lang magtiwala.
Subscribe to:
Comments (Atom)