Monday, May 14, 2007

May 15, 2027

Dear future Ria,

Isa na namang maghapon na wala akong magawa dito sa office at sa aking pag blo-blog hopping eh nakakuha na naman ako ng ideya sa blogkadahan.com. Tema nila ngayon ang pagsulat sa future self, kaya eto sinusulatan kita.

After 20 years malamang 43 ka na. I cant imagine the wrinkles, ang lines, ang pores! My goodness, baka saggy breast and butt ka na! Not to offend you noh, pero sana naman naisipan mo nang magexercise, sana lang yung mga plano ko ngayon na magenroll sa gym at bumili ng stationary bike ay naisipan mo nang gawin. Nai-stop mo na kaya yang paninigarilyo mo? Ngayon kasi I'm trying my best na itigil na, max of 5 sticks na ko ngayon, minsan less pa. Kaso nga lang talaga may times na di ko maiwasang manigarilyo kapag nagkakape at umiinom. I guess wala ka na sa bansang Pilipinas ngayon, or kung anjan ka pa rin eh maganda naman siguro ang trabaho mo. Masyado akong ambisyosa sa mga panahong ito pero wala naman akong ginagawa para matupad yung mga ambisyon na yun. Sana hindi nahuli ang paggising mo!

To remind you, as of this moment eh andito ka sa DPI, naghihintay ng trabahong ibabato sayo. You're earning only enough for your own. Ang current boyfriend mo ngayon eh si Sir Dong, okay naman ang relationship nyo, with same issues pero nabawasan naman na. So far so good naman ang health ni mommy and currently hindi sa bahay nakatira si kuya. Nawalan pala ng pera ang mommy kaya eto tight ang budget ngayon.

Sana may improvement ang lahat ng mga yan sa panahon mo. Nagkatuluyan kaya kayo? Sana masaya ka sa lahat ng pinili mo. May hang-ups pa kasi ako as of this moment eh. I can never can tell, hehe.

I hope everything is good in your time. If you have a husband and kids, kiss them for me. If mom is still there, call her and say that I really, really love her, and thank her for everything; without her, you will not be what you are right now. If dad is still there also, tell him that you love him.

Hanggang dito na lamang.

Nagmamahal,

Past Ria

No comments: