Friday, December 09, 2005

INSPIRASYON....

Ano nga ba ang buhay kung wala siya? Hindi nga ba iikot ang mundo? Marahil siya ang iyong nanay, tatay, kuya, ate, bunso, boypren, girlpren, kaibigan, aso, pusa, isda, kahit ano, kahit sino. Pero pano nga ba kung wala siya. Ano na ang ibig sabihin ng buhay? Ano na ang halaga ng buhay? Sa tuwing nawawala ang inspirasyon, pilit akong naghahanap ng panibago. Panibagong paglalaanan ng aking pinaghihirapan. Ngunit ano nga ba ang aking hinahanap, isang inspirasyon na di malayong kaparehas din ng dati. Bago nga ba ito o isang lumang inspirasyon na nilagyan ng bagong dekorasyon... bagong ilong, bagong mata, bagong bibig. Dekorasyong binigyan ng bagong kahulugan ang inspirasyon. Suportang dating nararanasan at suportang wala sa dati. Inaabangan din sa paggising sa umaga ngunit nagbibigay ng kakaibang sinag ng araw. Nasasabik sa bawat pagkakataon na magkita ngunit bagong karanasan ang nagaabang. Marahil bago na rin siyang maitatawag...

No comments: