Sunday, June 17, 2007

Akalain mo nga naman oh!

Sadya bang maagang gumising ang mga tao sa panahong ito o huli lang talaga ang gising ko? Gumising ang beauty ko ng ala-5 ng umaga para maghanda sa pagpasok ko sa trabaho, proud na proud sa sarili ko dahil nagawa kong gumising ng maaga at hindi ko na kelangang pumila sa sakayang papuntang Cubao. Uminom ng kape, naligo, nagbihis, nagmake-up, 10 mins to 6 ay pumunta na ko sa pilahan ng fx. Pagbaba ko ng tricycle ay sumampal sakin ang haba ng pila para bang sinasabing "Hoy! Bilisan mong kumilos! Huli ka na naman sa trabaho!" Ang sabi ko naman mapasoque, 2 oras pa naman bago magtime, malamang makakarating naman ako ng 1 oras papuntang opisina. Makalipas ang 30 minutos at wala pa ring epex (flashback na black and white: Nung hindi pa nauuso ang fx, sumasakay kami ng jeep papuntang Novaliches Bayan. Pagdating sa cheslinova, maglalakad kami ng mga 1 kilometro sa putikan at malansang palengke, at sa kanto kami sasakay ng bus. Ibababa kami ng bus sa kanto ng edsa at aurora kung saan naman naglipana ang holdaper at isnatyer na nakatambay sa oberpas). So kahit na matagal, mega-hintay ang lola mo kahit na pawis na ang kilikili ko, at least isang sakay lang at diretso na ng plaza fair yung epex. Mga 6:30 na nung makasakay ako, excited makarating sa cubao dahil iniisip ko na yung mga almusal na pwede kong mabili sa mga madadaanan ko papuntang sakayan ng de castro. Nalalasahan ko na yung itlog na maalat sa siopao na balak kong bilhin sa 7-11, yung mainit na kape at doughnut sa dunkin, yung omelet sa tropical, pero teka 7:30 na asa highway 54 pa rin ako! pakshet! At sa lahat ng sinabi ko, wala akong nadaanan kahit isa dahil hindi lumiko ng aurora yung sinakyan ko (gawa ng kashungahan) at lumusong lalo sa masikip na trapiko. Ukinana, parang isa-isang hinuhugot ang mga pangarap ko para sa umagang iyon. Nagdalawang sakay pa tuloy ako papuntang opis...at gutom. Buti na lang nauso ang grace period dahil kung hindi malaki na naman ang mababawas sa sweldo ko. Bukas, papasok naman ako ng 15 to 6.

No comments: