Thursday, June 06, 2013

Marunong nga ba talaga akong magmahal? Sapat na ba na pahalagahan mo ang taong mahal mo? Ano nga ba ang pagpapahalaga. Hindi ba talaga ako marunong magparamdam ng pagmamahal sa isang tao. Paulit ulit ko na lang nasasaktan ang taong nagmamahal sakin. Marahil sawa na syang marinig ang "sorry" ko. Ang masaklap dun, hindi ko narerealise na nakakasakit pala ako. Masyado ba kong selfish at sarili ko lang iniintindi ko. Naiprogram ko na ata ang sarili ko na tatanda akong magisa kaya wala akong pakialam kung may nasasaktan ako. Di ko rin alam. Ang alam ko lang, mahal ko siya. Gusto ko siyang makasama ng mahabang panahon. Maging masaya kasama siya. Alagaan siya pag may sakit siya. Dumiskubre ng mga bagong lugar kasama siya. Mabuhay ng tahimik kasama siya. Importante sya sakin pero hindi nya nararamdaman yun, hindi ko naipaparamdam sa kanya. Hindi ko maipakita na sa kanya nakasalalay ang buhay ko. Kelangan ko ng relationship 101 dahil kulang pa ang kaalaman ko. Masyado akong nasanay na magisa lang sumasabak sa mga problema ko. Masyado akong naging masaya sa sarili ko lamang, hindi ko na tuloy alam kung pano maging masaya kasama ang mahal ko. Sabi nila kung kaya mo na mahalin ang sarili mo, mas lalo mong matututunan magmahal ng ibang tao pero bakit nagkukulang ako. Hindi ko alam, sawa na rin siguro siyang marinig yan mula sakin. Hindi ko madedepensahan ang sarili ko, yan lang din ang alam kong sabihin, walang excuses. Hindi ako magtataka kung magsawa na sya sa pagunawa sakin. Natututo naman ako sa mga pagkakamali ko, sa palagay ko. Pero marami pang pagkakamali, wag ko naman sanang isa isahin. Baka isang araw wala na kong pagsabihan ng sorry.

No comments: